View Single Post
Old 2011-01-04, 11:28   Link #7
CaptGloval
New Macross soon
 
 
Join Date: May 2008
Location: Macross 30 Emigration Fleet
I found this next song also from the Nico Medley. It's a quick translate into sing-along lyrics. I sure hope I did the song justice.

Uninstall
Bokurano OP

http://www.animelyrics.com/anime/bokurano/uninstall.htm
http://www.youtube.com/watch?v=iNCXiMt1bR4
http://www.youtube.com/watch?v=INl1IKzE3vQ (instrumental "band")

Nanggaling ang mga ito sa kalalim-laliman ng ating mga kinauunawaan
Tinatawanan ng mga ito ang ating walang kamuwang-muwang na pagmemeron sa ating buhay
Nalilito ako sa mga katotohanang lumusot sa daliring nakatakip sa tenga ko
Nasaan kaya ang lakas na magpapatayo ng aking mumunting katawan?

Uninstall, uninstall
Buhangin lang daw ako sa daigdig na ito
Unawain ko man ito'y di ko pa makayanan
Uninstall, uninstall
Wala 'kong magagawa kundi magpanggap
Na mandirigmang walang kinakatakutan
Uninstall

Ang ating guniguni'y tumatalas sa pag-iisip nang hindi natin nalalaman
Kung buksan ko ang aking mga mata sa walang-hugis na kaanyuhan sa aking higaan
Wala akong nadarama maliban sa pag-uudyok
Na wasakin ang lahat alin man ito
Sapagkat hindi ko man lang mapili kung kailan ang tamang panahong mawala

Uninstall, uninstall
Kung wala nang natitirang magpapalit sa akin
Ang normal na pamumuhay ay ipapa-
Uninstall, uninstall
Nanaisin kong tapusin na ang lahat ng ito
'Di naman masamang mag-
Uninstall

Uninstall, uninstall
Buhangin lang daw ako sa daigdig na ito
Unawain ko man ito'y di ko pa makayanan
Uninstall, uninstall
Wala 'kong magagawa kundi magpanggap
Na mandirigmang walang kinakatakutan
Uninstall

Last edited by CaptGloval; 2012-07-15 at 00:54.
CaptGloval is offline   Reply With Quote